Martes, Pebrero 18, 2020


Bakit nga ba ako nagsusulat? Dahil ba ito'y may kaakibat na puntos? Ako'y nahihirapang makabuo ng aking pyesa dahil wala akong talento sa pagsulat. Ultimo sa pagsulat ng sanaysay sa kahit na anong asignaturang itinuturo ay ginagamitan ko ng "Memanism" salitang naimbento sa kapanahunan ngayon na ang ibig sabihin ay walang kanuluhan. Hindi ko maitatago na iyon ang aking ginagawa kapag hindi ko alam ang aking sinusulat at isusulat. 

Madalas ako'y natatawa na lamang sa aking mga naisusulat na may halong pagdadalawang isip sa huli. Hindi ko maitatangging wala akong hilig sa pagbabasa sa sulat ng ibang manunulat, madalas ako ay nakakatulog kapag pinipilit kong ako'y magbasa. 



Naalala ko noong ako'y nasa ika-walong baitang, ako'y nakatulog sa pagbabasa ng pretest dahil sa bawat numero ay mahahaba ang babasahing tanong, nagising na lamang ako ng winawastuhan na nila ang kanilang mga papel. 


Madalas ako'y sumusulat para maihatid ang mga mensahe na nais kong oparatong sa aking kausap o nararamdaman. Lingid man sa kaalaman ng iilan, ako'y nagkaroon ng diary sa pagkakaroon ng sama ng loob na hindi ko mailabas, mula nood ako'y natutong ilabas ang aking mga emosyon sa pamamagitan ng pagsusulat. Mula sa pagsulat ng aking diary, natuto akong basahin ang mga kwento ng buhay ko sa araw-araw. Mula noon natuto na din akong magbasa ng likha mula sa ibang tao ng hindi nakakatulog. Natuto akong isulat ang mga kwento at ideyang mula pa man noon ay hindi ko na magawang pakawalan sa aking isipan. 

Mula sa mga tulang natutunan ko sa asignaturang Malikhaing Pagsulat, maikling kwento na alam kong mema-pasa na naman. Tulad na lamang ngayon, alam ko ang ibang bahagi ng aking sinulat ay mema, dahil kahit may mga natutunan ako habang tinatahak ang landas ng aking buhay, nilalabanan ko ang katamaran na laging nariyan habang ako'y nag-iisip ng pupwede kong maisulat.